Kinabukasan Balita

4.7-magnitude, yumanig sa Ilocos Sur

Matapos ang malakas na pagyanig nitong nakaraang linggo, nilindol na naman ang bahagi ng Ilocos Sur nitong Linggo ng hapon.

Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismolpogy (Phivolcs), nasa magnitude 4.7 ang naramdaman sa Cabugao, Ilocos Sur, dako 1:49 ng hapon.

Lumikha rin ito ng lalim na dalawang kilometro at naramdaman ang lindol bilang Intensity V sa Dolores, Abra at Intensity IV sa Sinait, Ilocos Sur.

Naitala naman ang Intenstiy III sa Bantay, Ilocos Sur; Batac at Dingras, Ilocos Norte, at Intensity II namansa Bacarra, Ilocos Norte.

Matatandaang tumama ang 7.0-magnitude na lindol sa northern Luzon nitong Miyerkules kung saan ang sentro nito ay sa Tayum, Abra.

Sa datos ng Phivolcs nitong Linggo, aabot na sa 1,662 ang aftershocks ng naturang pagyanig.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!