Kinabukasan Balita

35 eskuwelahan, napinsala sa 7.0-magnitude na lindol sa Luzon

Umabot sa 35 na eskuwelahan ang nasira sa pagtama ng 7.0-magnitude na lindol sa ilang bahagi ng Luzon nitong Miyerkules, ayon na rin sa pahayag ng Department of Education (DepEd) nitong Huwebes.

Binanggit ng DepEd na kabilang sa nawasak ang 11 sa Central Luzon habang siyam naman sa Cagayan Valley.

Walo naman ang naitalang nasira sa Cordillera Administrative Region (CAR) habang pito naman sa Ilocos Region. 

Sinabi ng ahensya na nangangailangan muna sila ng ₱228.5 milyon para sa pagpapaayos ng mga gusali.

Bukod dito, inaalam pa ng DepEd ang bilang ng mga estudyante, guro at non-teaching personnel na nangangailangan ng tulong matapos masira ang paaralan ng mga ito.

Limang ang naiulat na nasawi at mahigit na 100 ang nasugatan sa pagtama ng malakas na lindol sa iba’t ibang bahagi ng Luzon nitong Hulyo 27.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!