Kinabukasan Balita

3 patay sa diarrhea outbreak sa Davao City

DAVAO CITY – Tatlo ang naiulat na namatay nang magkaroon ng diarrhea outbreak sa Toril, ayon sa pahayag ng City Health Office (CHO) nitong Biyernes.

Sa panayam, sinabi ni CHO chief, Dr. Ashley Lopez, isang 32-anyos na lalaking guro at isang 67-anyos na babaeang pinakahuling binawian ng buhay kasunod ng pagkamatay ng isang 10 taong gulang na lalaki noong Hulyo 19.

Ayon sa ulat, ang nasabing guro na taga-Lingig, Surigao del Sur ay namatay nitong nakaraang Huwebes dahil sa matinding dehydration.

Nangungupahan aniya ang guro sa Brgy. Toril kung saan ito nagtuturo.

Umabot na aniya sa 233 ang kaso ng diarrhea simula Hulyo 15 kung saan 21 na barangay na ang tinamaan nito.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso upang madetermina ang sanhi nito.

PNA

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!