Kinabukasan Balita

3 huli sa P300K tsongke

Arestado ang tatlong umano’y tulak ng ilegal na droga makaraan silang mahulihan ng P300,000 halaga ng high-grade marijuana o kush sa isang buy-bust operation sa Las Piñas City kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Major Von Alejandro, hepe ng Philippine National Police Regional Drug Enforcement Unit (PNP-RDEU), puno ng usok at nagpa-pot session sa loob ng sasakyan ang mga suspek nang lapitan ito ng undercover na pulis para sa kanilang transaksiyon sa gasolinahan sa Barangay Almanza Uno.

Binatilyo pisak sa mixer truck, 3 sugatan

World Balance boss tinutugis sa drug smuggling

Atletang wagi sa Vietnam Sea Games kinilala ng Antipolo

Modus umano ng tatlo ang mag-ikot sa mga bar at condominium sa Metro Manila para magbenta ng kush sa mga parokyanong pawang Chinese at Korean na mahilig mag-party.

Hinahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek. (Betchai Julian)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!