Kinabukasan Balita

3 dinakma sa P17.3M shabu

Nasamsam ng mga awtoridad ang P17.2 milyong halaga ng umano’y shabu matapos maaresto ang tatlong hinihinalang tulak, kabilang dito ang isang Chinese national, sa buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite noong Lunes ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Zhiming Liu alyas ‘Ken Liu’, 29-anyos, ng Colorado Bldg., Binondo, Manila; Franz Marlon Magbo Marteja, 32, ng Bukal Sur, Candelaria, Quezonat; at Jim Paul Salalila Arceo, 33, ng Sapang Maragul, Tarlac.

Resort sa Cavite ipinakandado

P50K pabuya alok para sa sikyo killer na kagawad

Nene ‘dinaliri’ ng lover ni ermat

Dinampot ang mga ito matapos makaiskor sa kanila ng droga ang mga pulis mula sa pinagsamang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Intelligence Service at pulisya sa Lot. 5 Blk. 3 St. Charbel Phase II Subd. Sampaloc IV, Dasmariñas, Cavite bandang alas-6:30 ng gabi.

Narekober sa kanilang pag-iingat ang 2.5 kilo ng hinihinalang shabu na may street value na P17.2 milyon, sari-saring I.D. at mga dokumento. (Gene Adsuara)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!