Kinabukasan Balita

2YO Maiden Race alay kay Lagdameo

MAUGONG ang kabayong Secretary sa magaganap na 2022 Philracom 2-Year-Old Maiden Stakes Race na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong araw.

Ito’y dahil sa ipinakitang husay ng pag-aari ni Ronaldo David na si Secretary sa trial run nang mauna niyang tawirin ang meta.

Limang tigasing kabayo ang makakatagisan ng bilis ni Secretary, kabilang rito ang pambato ng SC StockFarm Inc. na sina Noon Charm at Love Radio.

Kiefer itinanggi bagong dyowa

PSC tinatrabaho balik ni Obiena sa PH team

David gagamayin sistema ng Tigers

Rerendahan ni star jockey Jeffril Zarate, ang ibang kalahok sa 1,400-meter race ay sina Sky Magic, Malibu Bell at Jaguar.

Nakalaan ang P1M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta sa event na pagkilala kay former Phiracom Chairman Antonio Lagdameo Sr.

“It is with great honor that we come to recognize former Chairman Lagdameo for his contributions in steering the Philippine horse racing industry during his four year stint at this office. The industry as a whole feels happy and proud on his new appointment as permanent representative to the United Nations,” saad ng kasalukuyang Philracom chairman Reli de Leon. (Elech Dawa)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!