Kinabukasan Balita

280 pang aftershocks, naitala sa Abra — Phivolcs

Naitala pa ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang 280 na aftershocks kasunod ng malakas na paglindol sa Abra nitong Miyerkules ng umaga.

Paglilinaw ng Phivolcs na sa nasabing bilang, 57 ang nairekord habang 13 naman naramdaman.

Ayon sa ahensya, ang mga naitalang aftershocks mayroong magnitude na 1.5 hanggang 5.4.

Nauna nang nagbabala ang Phivolcs na magkakaroon ng “minor to moderate” aftershocks sa epicenter ng pagyanig, gayunman, hindi pa rin nila isinasantabi ang mararamdamang malakas na aftershocks.

“These may continue for several days to weeks, some of which may be felt,” pagbibigay-diin ng ahensya.

Nauna nang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot sa magnitude 7.0 ang tumama sa hilagang silangan ng Lagangilang, Abra nitong Hulyo 27, dakogn 8:43 ng umaga na ikinasawi ng lima katao.

Isinisi naman ng Phivolcs ang kalamidad sa paggalaw ng aktibong fault line malapit sa lugar.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!