Kinabukasan Balita

2022 PBA Commissioner’s Cup: Dating koponang NLEX, babanggain ni Yeng Guiao

Naghahanda na ang koponan ni Rain or Shine coach Yeng Guiao upang banggain ang dating hawak na NLEX sa pagbubukas ng 2022 PBA Commissioner’s Cup sa susunod na linggo.

Magkukrus ang landas ng Elasto Painters at Road Warriors sa PhilSports Arena sa Pasig City sa Setyembre 23 dakong7 5:45 ng hapon.

Ito ang unang pagkakataong makalaban ng ROS ang NLEX mula nang lisanin ni Guiao ang koponan kamakailan.

Ipinasya ni Guiao na lisanin ang NLEX nang alukin siya ng puwesto sa kumpanya na nangangahulugang nalalayo ito sa kanyang coaching job.

Kaugnay nito, magtatapat din ang Converge at crowd favorite Barangay Ginebra sa ikalawang laban sa Linggo, Setyembre 25, dakong 6:45 ng gabi.
Dakong 4:30 ng hapon, magsasalpukan muna ang Meralco at NLEX.

Makakatunggali naman ng guest team na Bay Area Dragons ang NorthPort sa Setyembre 24, dakong 4:30 ng hapon bago ang salpukan ng Phoenix Super LPG at Blackwater.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!