Kinabukasan Balita

10 na dedbol sa Luzon quake – NDRRMC

Narekober na ang apat na naiulat na nawawala sa isang landslide event sa Luba, Abra, kayat umakyat na ang bilang ng naiulat na namatay sa sampu sa katatapos na lindol, ayon sa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal sa nasabing bilang 5 ang verified at lima ang subject sa validation. Nanatili naman sa 136 ang bilang ng mga sugatan.

Ama ng killer ni ex-mayor tinumba

Ilang kalsada sa Ilocos Sur sarado pa

Guwardiya sa Ateneo shooting tinuring na bayani

Umabot naman sa 7, 331 ang displaced at 1, 248 naman ang preemptively evacuated at nakabahay sa 26 evacuation centers.

Sinabi ng NDRMC na ang naturang mga bilang ay mula sa dalawang rehiyon, 8 probinsya, 42 na siyudad at munisipalidad at 246 na mga barangay.

Ang kuryente naman ay naibalik na sa lahat ng mga lugar sa nasabing mga rehiyon.
Pumalo naman na sa 1,583 na bahay ang nasira. Sa nasabing bilang, 1,535 ang partially damaged at 48 ang wasak. (Kiko Cueto)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!